navigation

Sunday, February 3, 2013

Mga Lugar at Sikat na Pasyalan sa Maynila

Isa sa mga makasaysayang lugar na binibisita ng mga Pilipino at dayuhan ay ang bantayog ng  Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. Ito'y ipinangalan sa kanya upang pagkilala ng bansa sa kanyang kabayanihang ginawa. Makikita natin ito sa  na malapit sa Manila Bay (isa rin sa binibisita ng mga Pinoy), at kilala sa tawag na Rizal park. Ang buong Rizal Park ay tinatayang limampu't apat na ektarya at ang taas naman ng bantayog ni Rizal mula sa lupa ay 18.3 metro. Nagsimula ang historya sa Luneta ng 1820 at dati pang kilala bilang Paseo de Luneta. Pinalolooban dati ang Rizal Park ng Nueva Barrio o ang Bagumbayan. Noon pa man, ang mga Pilipino ay dumadayo sa lugar na ito upang magpiknik. Hanggang ngayon, ang mga tao ay nag "picture-picture" ika' nga sa makasaysayang lugar.


Malapit sa Rizal Park, na ipinatayo ni Gobernador heneral Miguel Lopez de Legazpi, ay matatagpuan ang isa pang makasaysayang lugar -- ang Fort Santiago. Dito ikinulong, 'di lang ang ating pambansang bayani, ngunit pati rin ang higit na anim na daang Pilipino sa ilalim ng gobyerno ng Espanya. Makikita ang Fort Santiago sa loob ng Intramuros. Ang maliit na Rizal Musuem na makikita nyo sa Fort Santiago ay naglalaman ng mga kagamitan at trabaho ni Rizal at makikita na rin kung saan siya ikinulong. Itinayo ang Fort Santiago sa loob mismo ng palasyo ni Rajah Sulayman noong 1571.

Isa pang lugar na pinupuntahan ng mga dayuhan at mga eskolar ay ang ating Pambansang Museo. Maaaring makita dito ang kasaysayan ng Pilipinas magmula Stone Age hanggang sa modernong panahon.  Itinatag ito noong 1901 bilang opisyal na repositor ng mga kasaysayang natural at etnograpiya. Itinayo ang museo noong 1918 gamit ang disenyo ng isang arkitektong Amerikano na si Daniel Burnham. Kabilang sa mga yamang makikita dito ay ang Spolarium ng sikat na pintor na si Juan Luna na nagpapakita kung gaano kahigpit ang mga Espanyol  sa pagtrato sa mga Pilipino.


Ang maaaring pagpahingahan ng mga dayuhan at Pilipinong bumibisita sa Maynila pagkatapos ang mahabang paglilibot sa buong maghapon ay ang Manila Hotel. Si William Howard Taft ang naghain ng plano noong taong 1898 na magkaroon ng isang mahaba at malapad boulevard sa tabi ng Manila Bay at ang magtayo ng isang hotel sa gitna nito. Si Daniel Burnham naman ang arkitektong nagdisenyo na matapos ang maikling panahon ay ipinagpatuloy ni William Parsons. Binuksan ang hotel na mayroong 149 malawak at mataas na kwarto noong taong 1912.


Group Members:
Sacho Ilustre
Ricardo Altivo
John Patrick Eligino
Heston Avinante
Karlo Verona